I will always have a thing for you.

FAST FACTS!
Nicole Xerez-Burgos | 19 | Antipolo City, Philippines
- leader
- health buff
- jock wannabe
- kpop fanatic
- music afficionado
- aspiring makeup artist and photographer
- self-confessed kikay
- proud LiGer

"And oh, I love my birthday -- June 21, 1992 -- coz I have the same birthday as my bias, Kim Ryeowook <3"

Follow if you wish.
And NEVER talk shit behind my back.

Annyeonghee Kyeseyo! ü
My Diary
Tumblr Ask
Formspring
Twitter
Facebook

Follow Me on Pinterest


1/14 »

June 1 na. Pag June, automatic wild na utak ko. Iniisip ko na ang enrolment, pasukan time, father’s day, ust-san beda hearing (which is going to happen this very day rin), 20th birthday ko na hindi na rin ako umaasang magkakacelebration pa tas birthday ni kaMU crush. Ai sandali, pareho lang pala kami ng birthday ng crush kong si Wookie kaya sige, counted na lang yun as one. Pero minsan ayoko nang isipin pa ang mga bagay na yun kasi wala namang mababago kesha isipin ko man yun parati o hindi eh kasi sa huli, wagas na stress pa rin ang dala nito sakin.

Mabuti pa isipin ko na lang si off-screen crush ko sa school… Yun siguro sapul!!! Walang stress. Pure kakiligan lang :)) <3


Tagged as: june, personal,


malinaw na sakin ang lahat.. na hindi ako worthy enough ipaglaban sa kinadami dami ng tao sa buong mundo… nanay ko na ang mismong nagsabi sakin. pwero naisip ko, “bakit? ganyan lang ba tingin mo sakin? basura lang na pwedeng tapak-tapakan??!”

pero kung ganun din lang naman e mas mabuti kung magpatalo na lang eh. mas pipiliin ko pa yung buhay na walang komplikasyon na nangyari pang ganito na humantong sa korte… nandun nga ako sa lugar na gusto ko pero yung image ko naman na dun e nasira na. ang mas masakit pa nga ay masisira na reputasyon ko ng wala naman akong ginagawa at nagawang masama. ilan beses ko bang dapat sabihin na biktima lang ako ng kapalaran?! nagkataong minalas ako at pamilya ko at nangyari to… kaya ano pa bang halaga ng pananatili ko dun kung nagkataon man? mabubuhay lang ba ako dun sa kahihiyan? yun yung mas iniiwasan ko at kahit sino naman eh…

buong utak ko sinasabi, “tama na, pia… nagawa mo na ang lahat. wag mo nang pilitin pa kasi mas lalo ka lang masasaktan.. tsaka di ka naman katulad nila kaya wag mo nang ipagpilitin pa” pero hinde. naisip ko hindi ako pinalaking ganito. at hindi ako ganito. matapang ako. walang inaatrasan. mapride. dibale nang masaktan at kung ano ano pa basta ipaglalaban ko pa rin to! hindi ko bibiguin yung mga taong naniniwala pa rin sakin…

kaya ano pa mang mangyari, lalaban pa rin ako — manalo man o matalo.


1 note
Tagged as: personal,


Or maybe, you just don’t like me after all just because of some pretty lame reason. And whatever that pretty lame reason is, it hurts so much just by me knowing it.

And what even hurts me more is I had to pretend that I’m okay and not bothered by it when actually I’ve spent so many sleepless nights crying just because of it — that small damn thing.




Dati ko nang gusto to eh kaso I’m too shy to ask this before pa eh but now I finally had the guts to be friendly enough to my followers =)


Tagged as: tumblr friend, personal, random,


Having a follower constantly liking your posts and you later found out that through the search button at the followers tab that he or she isn’t following you is kinda creepy and even more stalker-ish as it seems rather than having a follower who frequently likes your posts but then, making you feel at ease somehow because he or she is officially your follower so there’s no mystery game played by you…




My birthday is fast approaching and I wish celebrating my birthday. It’s been an epic since I last partied with other people aside from my mom and dad. I want change though, most especially that a few weeks from now I’ll no longer be a teen and for the first time in my life, my age starts with a digit numbered two (2). I just want my 20th to be really memorable if given the chance (and the funds) to celebrate it in such a way I wanted it to be.

My love for kpop went as high as Mt. Fuji after my high school days. Before, I just loved watching kdramas aired on local TV but now things have changed and went worse. Waha kidding. I mean, I’m now starting to have desire for K fashion, music, food, culture, and of course, boys (trivia: I have the same bday as Wookie of SuJu <3). So if were to have a birthday bash, I’d like it to be Kpop inspired! Weeeeeeee!! :D

You know, being in a korean restaurant of some sort were my closest of friends are altogether gathered in a private room of the resto and just have the time of our lives there as we are served with great korean food! Oh dang. I also thought of a pool party but I guess, it’s going to be a little bit more expensive and even dangerous (my guests might slip into the waters!) so just a Dream High-like environment is absolutely fine with me. And it’s even way better if there were a photobooth (since renting a stage and having some DJ spinning some music is a lot costly) there. It may just be a plain booth but it does wonders, ha! I’m sure my guests would love it coz it’s the only place where they can flaunt their wacky side. And if there were a videoke too, well, good. But that’s optional. I don’t like singing much. I only do that in the shower or whenever I’m in front of the PC :P Hahaha! Just some cool K backgroud music is good to go :) And oh, I almost forgot! I want my guests to be wearing a street-style K fashion outfit!!! Wow. That’d be perfect if ever.




Dear Bakla (codename ko sa crush ko dahil mukha siyang ganun),

Nagulat talaga ako nang nalaman kong kaklase pala kita sa PHL01 last sem. Huli na nung malaman ko ito kasi hindi ko nararamdaman yung presence mo nung una dahil mahinhin ka kasi eh, hindi tulad ng iba mong mga kaklase na magagaslaw at kung ano ano pa. Kung di lang din ako nagretreat nun, hindi ko rin yun malalaman. Pero natutuwa ako kasi mabait ka naman at saka mukha namang nagkakavibes tayo sa tatlong instances na nagkausap tayo sa CMO. Hindi ko rin malilimutan yung nahug kita sa Montserrat Center nung retreat ko bago pa man tayo bumalik ng school nung Dec. 4. Grabe kung alam mo lang tumigil talaga yung mundo ko nung nafeel ko yung kapayatan mo. Joke. Hinde, ibig kong sabihin iba yung feeling pag mismong crush mo na ang nahug mo. Parang gusto mo nang sumabog sa tuwa… May nabalitaan man akong “naging” girlfriend ka mula sa minsan na nating pinagusapan na nerd classmate nating si Rommel at marami mang mga may crush sayo at marami ding mga pangaasar sayo na naririnig ko rin mula sa dalawa kong kaklase lalo na sa boyfriend ng friend ko, patuloy pa rin ako magkakacrush sayo. Hindi ko rin malilimutan yung bawat oras na nagnanakaw ka sakin ng tingin sa classroom. Pucha. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na wag tumingin sayo pero kung alam mo lang atat na ata na talaga akong masulyapan ka. Pinakamasaya ako every Tuesday at Thursday, 9-10:30am kasi yan lang yung oras na nasisilayan kita. Hehe. Bukod dun hindi ko rin makakalimutan yung oras na for the first time tinabihan moko nung Frolics tsaka yung wala si Sir nun sa klase natin a week before Finals. Hay. Tsaka yung ano pa pala yung nagkikita tayo parati (kadalasan sa malapit o mismong sa footbridge sa LRT). Iniisnob lang kita nun pero kung alam mo lang, gusto kitang ihug nun. Pinipigilan ko lang sarili ko kaya umiiwas na lang ako sayo. Pero ang pinakanakakakilig talaga is yung oras na nagpmemeeting tayong mga volunteers two days before Frolics. Kumakain pa tayo ng Tiramisu nun. Ang sarap ng usapan talaga natin nun at lalo lang pinasarap ng kinakain nating tiramisu nun :)) Feeling ko nga parang date na yun eh. Buti na lang may magic na hatid yung tiramisung yun ni Dom. :P Pero pinakanasaktan moko nung nakita kitang may kasamang iba nung Valentine’s Day. FUCK. Halos madurog na ang lamang loob ko sa nakita kong yun. Mabuti sana kung maganda yung babae, e hindi eh. Chos. Pero gayunpaman, maliit lang naman yun na bagay. Mas lamang pa rin yung mga oras na panay ang tukso sayo ng mga friends mo sakin. :”>

Hindi mo man nababasa tong post ko, gusto kong malaman mong naging parte ka ng college life ko. Marami akong type at nalilibugang mga lalake pa nga sa school pero ikaw lang talaga, Bakla, ang laman ng heart ko. Sana ikaw rin ganun yung nararamdaman. Pero feeling ko parang oo? Ewan. Binabase ko lang din yan sa mga actions you’re showing me. Kita ko kasi kung gaano ka kainteresado makilala ako — bilang kaklase at bilang babae. Maraming salamat. Isa ka sa iilang tao sa school na nafeel kong minsang pinahalagahan ako. Alam ko man kung saang school ka galing at kahit ssaan ka nakatira, wag ka magalala dahil hindi naman kita iniistalk. Di rin kita iaadd sa anumang SNS dyan o hingin man number mo. Siguro sakin na lang yung nararamdaman ko for you… Hindi ko naman kasi ugaling magstalk ng mga likes kong guy nowadays eh. Alam mo na pakipot ako and at the same time, ayun hindi naman ako stalker. Bilang mapride na tao, pride talaga ang mas pinapairal ko beyond anything else.

Iniisip ko nga, crush pa ba to o mahal na kita? Kasi pag crush, kinikilig ka lang sa kanya at kung baga parang source of inspiration mo yung tao. Pero pag mahal mo na, iba eh. Handa kang ibigay ang lahat para sa taong gusto mo. E parang mas ganun yung nararamdaman ko na sayo eh… Hay. Magkita pa man tayo muli o hindi o magkaraon ka pa man ng gf, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita — kahit pa lame lovers pa ang bansag sating dalawa. Wala nakong paki dun. Pero sana talaga akaw yung mysterious guy na nagadd sakin sa Facebook a few weeks ago. Tatlo na yung alam kong mga tao na nasa friends list mo dun at isa pa dun e kavolunteer din natin… O kung hindi man ikaw yun, sana ikaw yung guy na nagtext sakin dati. Nagpakilala pa bilang Carlos eh kung san nakuha number ko sa kung sinumang Philipa na yan. Pero kung ikaw man yung sa facebook o sa text e sige lang baby, feel free to stalk me lang.

But still I wanna say this: I love you… goodbye.

Love, Pia




Hindi naman sa gusto kong magparetoke (pero y not kung rich kid ba naman ako) pero mga minor changes lang naman ang gusto kong gawin sakin. Like ngayon, papahabain ko ulit yung hair ko and how I wish I could also color my hair na burgundy (reddish brown) or kaya yung parang ke Iya Villania na reddish purple. Gusto ko na nga rin magfull bangs. Tsaka sabayan pa ng eyeliner, mascara and pink/blood red lipstick. Wow astig nun, bro. Rakeeztah. Tapos sinusundan ko pa nga ng diet ngayon. Hay grabe, kakalerki ko na to pag sabak ko ng bente anyos sa June 21 :))


1 note
Tagged as: personal, hair talk,


Gusto ko magshift na hindi. Eto ang mga bagay na naiisip ng mga irreg na tulad ko though syempre gusto ko parin naman magpremed kaya parang go pa rin ako sa Psychology. Gusto ko nga rin umulit ng First Year eh.

Kung sakali man magshishift ako (na narinig ko sa isa kong schoolmate na inabot daw siya ng 2 months), napipisil ko either ang Accounting, IT or Financial Management kahit hindi naman ako kagalingan sa Math… Kaso sa Accounting, mahirap magmaintain ng grade. I mean, MATAAS na grade. Kaya out na yun lalo na sa mga tamad na tulad ko. Hehe. Besides, hindi ko rin naman pinangarap maging Accountant or CPA kaya totally tatanggalin ko na yan sa options ko.

IT okay lang din at may Accounting pa nga dun eh so I got the best of both worlds, odiba? Kaso parang nakakapagalangan din kasi hindi ko maimagine na kung ipupursue ko man yun, bale dun na lang nakatali yung buhay ko — sa computer. Hay. E ayoko laging naeexpose ang über sensitive eyes ko sa radiation ng monitor eh kaya ayun… Yan yung nakikita kong disadvantage. Pero maganda naman din yun talaga. Yun nga lang siguro hindi lang yun para sakin…

Ganun din naman sa FinMa in terms of maintaining a grade pero kung ikukumpara naman sa Accounting, mababa ng onti yung imamaintain mong grade (siguro 2.50) so baka pwede ko na rin yan pagtiyagaan. Ito na malamang siguro yung pinakabonggang option ko sa lahat, ang FinMa. Balita ko maganda nga raw yung FinMa eh.

Pero ang naiisip ko ngayon ay kung hindi ko man magagawang magshift, at least man lang may background ako sa FinMa. Kahit hindi nako mag-major dun (kung sakali man na I’d stick to Psychology pa rin). Tingin ko pwede naman yun lalo na’t irreg naman ako so malaya akong mamili ng mga subjects na gusto kong kunin. At alam ko rin pwede yun eh. Psychology pero may units ka din na tinetake sa FinMa. Best of both worlds din tulad ng sinasabi ko sa IT. Kasi bukod sa nasa premed course pa rin ako, may mga units pakong kinukuha sa course na secondary interest ko din which is Business. Ayoko namang mag-Entre kahit dun talaga hardcore business topics kasi para sakin, madali lang naman yun matutunan. Kahit nga din sa HR, OM, at Marketing, madali lang naman yun magets… Mas okay kung may certain skill ka munang matutunan bago sumabak sa kung anumang dream mo. Like for exaple, kung balak mo mang maging lawyer, pwede ka munang kumuha ng Accountancy para maging CPA lawyer din diba. Sulit na sulit ka na rin dun. Kasi hindi naman sa hindi ko nirerecommend ang Legal Management, Economics, or Political Science pero ayun… mas maganda talaga kung may certain skill ka. Well, ganun din sakin. Pag nasa premed ka, most likely lose-lose situation din eh. Kung Nursing grad ka, advice ko na ituloy mo na yan hanggang sa Medicine Proper kasi kung hindi, posibleng caregiver o call center lang bagsak mo. Yan pa naman yung ayoko kaya pinili ko ang Psychology. Hindi ka lugi dun kasi pwede ka sa medicine pati rin sa business, particularly sa HR. Pero ako kasi gusto ko, may tinetakeup din akong units na may knowledge din ako with money so FinMa na. Sabi nga din ng friend ko, mas mataas pa nga daw yun kesa sa Accountancy eh. Yun nga lang kasi sa Accountancy may title ka na na CPA. FinMa ata wala? Pero hindi rin eh kasi may naririnig na din akong CFA (Certified Financial Analyst) eh. Anyways, opinyon ko lang naman to…




Para namang ang bobo o ang tanga ko at kelangan paulit ulit mo pakong pagsabihan nian.

(Source: lungganipi)


Tagged as: personal, rant,





NOT ENOUGH Theme By: ©YaniLavigne Best Viewed: Mozilla Firefox 1027x750